Bakit kailangang gamutin ang trangkaso sa loob ng 48 oras?

May laban ka sa trangkaso. Makakatulong ang mga antiviral na makabalik ka sa mga normal mong gawain sa mas madaling panahon.1,2

Ayon sa mga pag-aaral, pinakamabisa ang mga antiviral kapag ibinigay ito sa iyo sa loob ng 48 oras pagkapansin ng mga sintomas. Kaya naman inirerekomenda na itanong mo sa iyong doktor ang tungkol sa flu antiviral sa loob ng 48 oras pagkapansin ng mga sintomas.1,2

Arrow
Act fast to beat the flu!
Clock

Hindi lang ito basta magbibigay sa iyong katawan ng pinakamalaking tsansa na bumuti agad, maiibsan mo rin ang tindi ng trangkaso at mapapaikli mo ang iyong pagkakasakit.1,2

Sa sandaling naghihinala ka na baka may trangkaso ka, tiyaking makipag-usap sa iyong doktor o healthcare provider. Makakapag rekomenda sila ng pinakamagandang plano ng paggamot para sa iyo.

Ang tatlong yugto ng trangkaso

  1. Pagkapasok ng virus ng trangkaso sa katawan, madalas na umaabot nang 1–4 na araw bago magkaroon ng mga sintomas. Puwede nang makahawa ang karamihan ng mga tao isang araw bago sila makaramdam ng mga sintomas.3
  2. Ang mga unang sintomas ng trangkaso ay kadalasang kinabibilangan ng lagnat at pananakit ng mga kalamnan, kasama ng sakit ng ulo, masakit na lalamunan, ubo at matinding pagkapagod.4 Hindi gaya ng sipon, madalas na biglaan at walang babala ang mga unang sintomas ng trangkaso.5,6 Makipag-usap sa iyong doktor at humingi ng higit pang impormasyon tungkol sa mga flu antiviral sa loob ng 48 oras pagkatapos makaramdam ng mga sintomas na ito.1
  3. Bumubuti ang karamihan sa mga sintomas ng trangkaso sa loob ng isang linggo, pero puwedeng mas tumagal ang ubo at pagkapagod.4 Maaaring kailanganin mong ihinto ang mga pang-araw-araw na gawain habang naka-bed rest ka. Pero kung gagamit ng antiviral, mas mabilis na maaalis ang mga sintomas kaysa sa trangkaso na hindi ginamot.2
Flu Virus

Gaano katagal ang trangkaso?

Kadalasan ay tumatagal mula isa hanggang dalawang linggo ang trangkaso, pero puwedeng lubos na mag-iba-iba ang mga sintomas at bilis ng paggaling mula sa trangkaso batay sa pasyente.7

Puwedeng mas patagalin ng mga kumplikasyon ang pagkakasakit, at puwede itong magresulta sa pagkakaospital, o maging pagkamatay, sa pinakamalulubhang kaso.5,8

Makipag-usap sa iyong doktor sa loob ng 48 oras pagkaramdam mo ng mga sintomas ng trangkaso para mabilis kang makabalik sa pang-araw-araw mong gawain1,2

Phone

Sa pamamagitan ng telemedicine, posible na ngayong makipag-usap sa iyong doktor para itanong ang tungkol sa mga antiviral nang hindi umaalis sa bahay mo.

Napakaraming maling akala tungkol sa trangkaso, kung paano ito gagamutin, at kung paano ito iiwasan.

Doctor

Makakatulong sa iyo ang mga antiviral na gamot na labanan ang trangkaso.2,9,10

Itanong sa iyong doktor kung puwede ba ang antiviral sa iyo.

Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor o healthcare provider sa lalong madaling panahon.

Mga Reference

  1. Lehnert R et al., Antiviral Medications in Seasonal and Pandemic Influenza, Deutsches Ärzteblatt International, 113(47): 799–807, 2016.
  2. Allen UD et al., The Use of Antiviral Drugs for Influenza: Recommended Guidelines for Practitioners,  Canadian Journal of Infectious Diseases and Medical Microbiology, 17(5): 273–284, 2006.
  3. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), How flu spreads, 2018, Available from: https://www.cdc.gov/flu/about/disease/spread.htm, Last accessed: February 2022.
  4. Institute for Quality and Efficiency in Health Care (IQWiG), Flu: Overview, 2016, Available from: www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmedhealth/PMH0072643/#i2352.symptoms, Last accessed: October 2020.
  5. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Flu symptoms and complications, 2018, Available from: www.cdc.gov/flu/symptoms/symptoms.htm, Last accessed: February 2022.
  6. Banning M, Influenza: incidence, symptoms and treatment, British Journal of Nursing, 14(22): 1192–1197, 2005. 
  7. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Morbidity and Mortality Weekly Report: Prevention and Control of Influenza, 2008, 57: RR-7, Available from: https://www.cdc.gov/mmwr/index2008.html, Last accessed: February 2022.
  8. Mertz D et al., Populations at risk for severe or complicated influenza illness: systematic review and meta-analysis, British Medical Journal, 347:f5061, 2013.
  9. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), What You Should Know About Influenza (Flu) Antiviral Drugs: Fact Sheet, 2018, Available from: www.cdc.gov/flu/pdf/freeresources/updated/antiviral-factsheet-updated.pdf, Last accessed: February 2022.
  10. Stiver G, The treatment of influenza with antiviral drugs, Canadian Medical Association Journal, 168(1): 49–56, 2003.