Paano gumagana ang mga flu antiviral?

Nakakatulong ang mga antiviral na gamot sa trangkaso sa paggaling mo sa pamamagitan ng direktang pagsugpo sa influenza virus sa iyong katawan.1

Arrow

Kapag nagkaroon ng viral infection, nagsisimulang mag-replicate at kumalat sa loob ng katawan ang mga virus particle.2,3 Nilalabanan ng mga antiviral na gamot ang trangkaso sa pamamagitan ng pagpapababa sa kakayahan ng virus na gawin ito.4

Sa pamamagitan ng antivirals, malalabanan mo ang trangkaso nang mas mabilis. Hindi masyadong maaapektuhan ang iyong trabaho, pag-aaral, at iba pang gawain, makakatulong sa iyo ang antiviral na labanan ang trangkaso nang mas mabilis kumpara sa kung hindi ka gagamit nito. Ibig sabihin, hindi masyado maaapektuhan ang iyong trabaho, pag-aaral, at iba pang commitment.5,6

Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor sa loob ng 48 oras pagkatapos unang makaramdam ng mga sintomas ng trangkaso, para maging epektibo hangga't maaari ang paggamot.7

Mga Antiviral

vs

Over-the-counter na gamot sa trangkaso
o mga antibiotic

Mga AntiviralMga over-the-counter na gamot sa trangkasoMga antibiotic
Kailangan ng reseta1Hindi kailangan ng reseta9Kailangan ng reseta10
Direktang ginagamot ang flu virus4Ginagamot ang mga sintomas sa halip na mismong flu virus9Ginagamot ang bacteria, HINDI mga virus10
Puwedeng mapababa ang kakayahan ng flu virus
na mag-replicate4
Walang epekto sa kakayahan ng flu virus
na mag-replicate9
Walang epekto sa kakayahan ng flu virus
na mag-replicate10
Puwedeng makatulong sa pag-iwas sa mga posibleng malubhang kumplikasyon5,8Walang epekto sa mga kumplikasyon9Epektibo sa mga bacterial na kumplikasyon, pero hindi makakatulong sa pagpapaginhawa sa mga nararamdaman mong sintomas ng trangkaso1,10,11
  • Mga Antiviral
    • Kailangan ng reseta1
    • Direktang ginagamot ang flu virus4
    • Puwedeng mapababa ang kakayahan ng flu virus na mag-replicate4
    • Puwedeng makatulong sa pag-iwas sa mga posibleng malubhang kumplikasyon5,7
  • Over-the-counter medicines
    • Hindi kailangan ng reseta8
    • Ginagamot ang mga sintomas sa halip na mismong flu virus8
    • Walang epekto sa kakayahan ng flu na mag-replicate8
    • Walang epekto sa mga kumplikasyon8
  • Mga antibiotic
    • Kailangan ng reseta9
    • Treat bacteria, which has no effect on the flu virus itself9 
    • Walang epekto sa kakayahan ng flu na mag-replicate9
    • Epektibo sa mga bacterial na kumplikasyon, pero hindi makakatulong sa pagpapaginhawa sa mga nararamdaman mong sintomas ng trangkaso1,9,10 

Puwedeng mas makasama kaysa makabuti ang paggamit ng mga antibiotic kapag hindi naman kailangan. Ito ay dahil puwedeng maging resistant ang bacteria sa antibiotic, na makakapagpahina sa bisa ng antibiotic sa anumang bacterial infection sa hinaharap.12

Question mark

Alam mo ba?
Ang mga bakuna laban sa trangkaso ang pinakamabuting paraan para maiwasan ng mga tao na magkaroon ng trangkaso sa bawat season. Pero para sa mga taong magkakaroon nito, puwedeng gamitin ang mga antiviral para labanan ang virus.1

Target

Labanan ang trangkaso gamit ang mga antiviral, na direktang pumupuntirya sa flu virus, at pumipigil dito na mag-replicate4

Alamin ang higit pa tungkol sa ilan sa mga pinakakaraniwang maling akala na nauugnay sa paggamot sa trangkaso.

True Or False
Doctor

Makakatulong sa iyo ang mga antiviral na gamot para labanan ang trangkaso.1,4,5Itanong sa iyong doktor kung puwede ba ang antiviral sa iyo.

Mahalagang makipag-usap sa iyong doktor o healthcare provider sa lalong madaling panahon.

Mga Reference

  1. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), What You Should Know About Influenza (Flu) Antiviral Drugs: Fact Sheet, 2018, Available from: www.cdc.gov/flu/pdf/freeresources/updated/antiviral-factsheet-updated.pdf, Last accessed: February 2022.
  2. Bouvier NM & Palese P, The biology of influenza viruses, Vaccine, 26(Suppl 4): D49–D53, 2008.
  3. Breitbart M & Rohwer F, Here a virus, there a virus, everywhere the same virus?, Trends in Microbiology, 13(6): 278–284, 2005.
  4. Stiver G, The treatment of influenza with antiviral drugs, Canadian Medical Association Journal, 168(1): 49–56, 2003.
  5. Allen UD et al., The Use of Antiviral Drugs for Influenza: Recommended Guidelines for Practitioners,  Canadian Journal of Infectious Diseases and Medical Microbiology, 17(5): 273–284, 2006.
  6. Hayden FG & Pavia AT, Antiviral Management of Seasonal and Pandemic Influenza, The Journal of Infectious Diseases, 194: S119–126, 2006.
  7. Lehnert R et al., Antiviral Medications in Seasonal and Pandemic Influenza, Deutsches Ärzteblatt International, 113(47): 799–807, 2016.
  8. Wallick C et al., 2018, Poster presented at IDWeek. 3–7th, San Francisco, CA, USA.
  9. Klepser ME, Socioeconomic Impact of Seasonal (Epidemic) Influenza and the Role of Over-the-Counter Medicines, Drugs, 74(13): 1467–1479, 2014.
  10. Low D, Reducing antibiotic use in influenza: challenges and rewards, Clinical Microbiology and Infection, 14(4): 298–306, 2008.
  11. Bonten M, Antibiotics in pandemic flu, British Medical Journal, 332(7536): 248-249, 2006.
  12. World Health Organization (WHO), Antibiotic resistance, 2020, Available from: www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/antibiotic-resistance. Last accessed: February 2022.