Ano ang mga sintomas
ng trangkaso?
Symptom checker ng trangkaso
Biglaan ang mga unang sintomas ng trangkaso at kasama sa mga ito ang mga sumusunod:1,2
Lagnat (bagama't hindi lahat ng may trangkaso ay magkakaroon ng lagnat)
Pananakit ng katawan
Sakit ng ulo
Panginginig
Panghihina at pagkapagod
Ubo
Masakit na lalamunan
Tumutulong sipon o baradong ilong
    
    
    
    
Pagtatae o pagsusuka
(mas karaniwan sa mga bata)
Ngunit magkakaiba ang maaaring maranasan ng mga tao – may makakaranas ng lahat ng sintomas na ito at may makakaranas ng ilan lang sa mga ito.1
Sa tingin mo ba ay may trangkaso ka? Makipag-usap sa iyong doktor at itanong ang tungkol sa mga flu antiviral para protektahan ang sarili o ang mga mahal mo sa buhay laban sa trangkaso at sa mga kumplikasyon nito.3
Alam mo ba?
Sa pamamagitan ng telemedicine, posible na ngayong makipag-usap sa iyong doktor para itanong ang tungkol sa mga antiviral nang hindi umaalis sa bahay mo.
    
    
    
    
o
trangkaso?
COVID-19 ba ito?
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kapareho ng mga sintomas ng trangkaso, bagama't mas dahan-dahan ang pagsulpot ng mga ito.1,2,4–6
Kasama sa mga ito ang mga sumusunod:4,5
Hirap sa paghinga(mas karaniwan sa COVID-19 kaya sa trangkaso)6
Tuloy-tuloy na ubo
Pananakit ng katawan
Lagnat
Pagkapagod
Masakit na lalamunan
Sa tingin mo ba ay may COVID-19 ka? Humingi ng payo sa iyong health center o healthcare team kung kailangan mo bang mag-self isolate at/o humingi ng atensyong medikal.
Sipon ba ito?
Dahan-dahang sumusulpot ang mga sintomas ng sipon. Kabilang sa mga ito ang:1
Tumutulong sipon
o baradong ilong
Masakit na
lalamunan
Banayad/katamtamang
ubo
Pagbahing
Kadalasan, hindi nangangailangan ng anumang partikular na hakbang ang paggamot sa sipon maliban sa pag-inom ng mga over-the-counter na gamot para makatulong sa pagpapaginhawa ng mga sintomas. Mahahanap mo ang mga ito sa iyong lokal na parmasya.
Tingnan kung mahuhulaan mo kung sino ang posibleng may trangkaso, may COVID-19, at may sipon.
Sa tingin mo ba ay may trangkaso ka? Makipag-ugnayan sa iyong doktor at itanong kung puwede ba sa iyo ang antiviral.3
Mga Reference
- Centers for Disease Control and Prevention (CDC), Flu symptoms and complications, 2021, Available from: https://www.cdc.gov/flu/symptoms/symptoms.htm, Last accessed: February 2022.
 - Banning M, Influenza: incidence, symptoms and treatment, British Journal of Nursing, 14(22): 1192–1197, 2005.
 - Centers for Disease Control and Prevention (CDC), What You Should Know About Influenza (Flu) Antiviral Drugs: Fact Sheet, 2018, Available from: www.cdc.gov/flu/pdf/freeresources/updated/antiviral-factsheet-updated.pdf, Last accessed: February 2022.
 - Centers for Disease Control and Prevention (CDC), COVID-19 symptoms, 2021, Available from: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/symptoms-testing/symptoms.html, Last accessed: February 2022.
 - World Health Organization (WHO), Coronavirus symptoms, 2022, Available from: https://www.who.int/health-topics/coronavirus#tab=tab_3, Last accessed: February 2022.
 - Kandola A & White C, New coronavirus vs. flu, Medical News Today, 2020, Available from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/coronavirus-vs-flu#symptoms. Last accessed: February 2022.